Hapi Harts
Last March 28, nakipag-break sa akin ang boyfriend (ex na ngayon). Hindi halata kasi strong ako, hindi rin malalaman ng tao sa paligid ko kung ‘di ko pa sasabihin. Hindi ako nagpapapansin sa facebook o kung saan mang online account ko. Naisip ko kasi hindi na ako bata para gawin ‘yun, last heartbreak ko kasi inulan ko ng patama quotes ang wall ko, pati tumblr ko puro ganun. Well, I just decided na it’s not me anymore at sobra akong naiirita sa mga ganun kaya hindi ko na binalak pang gawin ‘yun. Seryoso, I’m not a kid anymore and I won’t go around para ipagsigawan na “ANG SAKIT SAKIT TANGINA MAMATAY KA NA INIWAN MO KO!!” at kung anu-ano pa. Hindi naman sa ‘di ako apektado kasi ang plastik ko naman kung sasabihin kong hindi ako umiyak, oo umiyak ako kasi masakit pero sandali lang kasi naintindihan ko naman siya kung bakit niya ginawa ‘yun.
Bakit nga ba? Hindi niya na raw ako mahal.
Siempre nung una para akong tinamaan ng bala, tagus-tagusan sa laman, nanghina ako, nawalan ako ng ganang kumain, at ayun nga umagos na ang luha mula sa mga mata ko. Masakit talaga malaman na ang taong minamahal mo ay hindi ka na minamahal pabalik, one-sided kasi ang peg. Nagalit ako sa kanya kasi bakit ganun di ba? Ang saya saya namin tapos out of nowhere biglang ganun siya, eh kailan lang magkasama pa kami. Wala nga kaming pinag-awayan eh, I started blaming myself pero ang sabi niya siya ang may problema. Nainis ako, na-frustrate ako, nagalit ako ng sobra-sobra and for two days I cried my eyes out. Three days after that I felt better, Sabagay halata naman sa kanyang nasaktan din siya sa nangyari. The feeling is gone, weak kasi siya, hinayaan niya mangyari, he didn’t keep the love alive. Hindi ko rin masasabing pinaglaruan niya ako kasi dalawang buwan niya rin akong tyinagang ligawan.
Eto mga naiisip kong dahilan kung bakit:
- na-pressure siya kasi ako ggraduate at magwowork na, siya uulit ng 1st year kasi magsshift siya ng course
- nagsawa siya
- bata pa kasi, oo gasgas na ‘tong dahilan na ‘to pero FYI he’s just 17 at marami kaming conflict dahil sa maturity shits
- weak siya
- I’m too fabulous for him
Sa totoo lang mas sayang kung hindi ko tinanggap na magiging masaya ako kahit hindi sa piling niya. Alam ko naman ‘yun eh, may kakayahan pa akong maging masaya ‘yun nga lang hindi siya ang taong para sa akin.Pero putangina ang pinakaayaw ko lang talaga sa text siya nakipag-break, guess he doesn’t have the balls to do so. Basta heto ako, fabulous as ever.

Ps. Naguguluhan ako sa kanya, sabi niya sa akin magseselos siya kung magkaroon na agad ako ng kapalit niya tapos sabi niya rin na wag daw muna ako lalandi or magbboyfriend. Labo mo pakyu :))

Comments
Post a Comment