Minsan gusto ko pumatay ng tao para lang malaman kung ano ang pakiramdam ng dugong umaagos mula sa aking patalim na unti-unting minamantsahan ang aking kasuotan. Minsan gusto kong dumakip ng isang pulitikong buwaya na walang ginawa kundi magnakaw sa kaban ng bayan, nais kong pahirapan siya, lumpuhin siya at iwan sa bangketa para lang malaman niya ang pakiramdam ng mga taong dapat ay tinutulungan niya. Minsan gusto kong kumain ng tao, ‘yung wala nang silbi sa lipunan, mayayaman ang magulang at hind nagttrabaho, nakukuha ang lahat ng gusto at tipong pagkuha nalang ng sariling Iphone sa kabilang kwarto ay iuutos pa sa kanilang katulong. Nais ko siyang patayin at kainin para kahit papaano maging parte ko ang pagiging mayaman niya, baka sakaling manuot sa laman-laman ko at maging mayaman na rin ako tulad niya pero hindi ako magiging tamad o walang silbi.
Minsan gusto ko kayo murahin lahat dahil gusto ko lang, gusto ko lang ipaalam sa lahat na hindi ako palaging mabait at naaabuso din. Minsan gusto kong punuin ng patay ng katawan ang aking kwarto para lang maramdaman ko na buhay na buhay ako sa kabila ng mga katarantaduhang nararanasan ko sa tuwing lalabas ako ng aming tarangkahan.

Comments
Post a Comment