Kadalasan ng naaattract ko ay ‘yung may jowa na, esp. ‘yung matatagal na ang relationship. Tipong hindi ko balak landiin kasi nga committed na pero medyo trip ko sila. Tipong sila mismo lumalapit sa akin at dahil marupok lang ako, oras na trip ko rin siya, pumapatol ang ate niyo. Ramdam ko kasi yung thrill kapag ganun, oo tawagin niyo na akong kabit o whatsoever. Pero kabit ba ‘yun kung wala namang emosyon na involved? Hindi masyadong malinaw sa akin kung ano ba talaga ako sa kanya pero ang malinaw sa set-up na ito ay magkaibigan lang kami. No more, no less.
Napag-usapan namin recently ang tungkol sa pagpatol sa kaibigan and as much as ayoko, ilang beses ko na ito na-experience. Ultimo jowa niya kaibigan ko rin, oh diba tigas mukha? Anyway depende naman talaga kasi sa set-up ‘yan. Personally, kahit ilang beses niya akong landiin, hindi naman niya ako magagawang mahalin kaya sa totoo lang walang dapat ikabahala yung jowa niya. Kung mabibisto man, pero sana hindi. Hindi pa ako exactly nabibisto or nasusugod dahil sa katarantaduhang ginagawa ko. Malandi akong nilalang, aminado ako. Wala akong balak mang-agaw ng jowa, hiram lang kahit saglit. Hindi ko rin kailangan ng puso, libog lang.
Unti-unti na nagssink in sa akin, kembot material talaga ako.

Comments
Post a Comment