Gusto ko ng Fries


November 16, 2011

Gusto ko ng Mcdo fries dahil hindi ako nakakain kanina, dumating ako sa morayta ng alas sais at dumiretso sa Moonleaf. Masarap din pala ‘yung Honey Milk Tea pero hinahanap ko pa rin ang holy grail tea ko. Balak ko i-try lahat ng nandun at so far ay nakakatatlong klase na ako at napakaraming sago ng inorder ko kanina. Wala naman akong pasok pero pumunta pa rin ako sa Morayta kasi akala ko magpapa-shot si Ryann Russel Ma. Sabi niya magpapainum siya dahil marunong na siyang mag-tapping pero tinokshit niya ako. Walang nagtext kanina, sabi niya text-text nalang. Sus, dumiretso na ako saJaca kasi nandun ‘yung mga tropa ko. Nakasalubong ko sila Dandee na paakyat na sa overpass, nakasalubong ko rin si Jing na matagal ko nang hindi nakikita, Sila Roy Nemer, Priane, Robert and friends nakasalubong ko rin pati sila Edz na papunta na sa Lakay. Pagkadating ko sa Jaca ‘di ako pinapasok kasi may hawak akong moonleaf. Pagkain daw ‘yun sabi ni kuya kaya kahit labag sa kalooban ko eh inubos ko na, ang dami pang natirang sago pero tinapon ko na. Nag-uululan lang sila sa bilyar pati ‘yung nasa stage nakikipag-ululan lang sa audience. Lumipat kami ng place, as usual sa homecourt which is Lakay. Medyo nawala naman na ang umay ko sa Lakay kahit na halus sinagad namin ang pag-inum ‘dun nung October. Isang bote lang kami ng GSM kahit madami kami kasi nagbilyar na naman ang mga mokong, dami naming inorder na pulutan dahil ‘yung mga matatakaw sa pulutan eh naglalaro ng bilyar. Naalala ko ‘di pa pala ako kumakain kaya nagsilbing dinner ko na ‘yung pulutang fries, kikiam at fishball. Usok at alak na naman, 15 minutes lang sa amin ‘yung isang bote kasi puro inom at walang kwento ang naganap. Parang nagmamadaling ewan, malay ko ba sa kanila. Pagkatapos nun eh nagsiuwian na ang iba, pati si Maya umuwi na kasi hindi raw maganda ang pakiramdam niya. Ayun nauwi kami sa Rockband at nalimas ang isang daan ko sa kagustuhan kong makapaglaro, 150 naman ang nawala kay EG na mukhang nalugi nung iabot ang bayad para sa renta ng studio. Masaya naman, nakarami naman kami ng kanta kaso na-consume ‘yung oras kakatawag sa kuyang staff dahil sa pumapalya nilang gamit. Tangina dapat may bonus kaming oras. Pagkatapos nun pumunta kami sa Hepa Lane pero wala naman palang kakain kaya nagsiuwian na. Nagpayosi si EG, kay Maya kasi naiwan ‘yung kaha jusko. Sabay kami sa jeep pauwi ni Hazel. Pagkauwi ko naman nasa tapat sila Pen-Pen na akmang mag-iinuman. Badtrip walang menthol black sa tindahan. Sus.
‘Di ako nakapagfries leche.

Comments

Popular Posts