Maulan na Morayta. Alas Diyes pasado.
Kakatapos lang maglaro ng magbabarkada sa Rockband, nagmamadali, yung iba pinapauwi na. Dali-dali silang sumilong sa mga pwede pang silungan sa dumidilim nang paligid. Basa na ang lahat dahil pawang walang may dala ng payong, ang isang tropa nila ay may dala-dalang folder ngunit hindi ito maaaring mabasa kaya buong ingat niya itong hinahawakan para hindi mabasa ng palakas ng ulan. Narating na nila ang huling tawiran bago ang sakayan, hindi pa rin tumitila ang ulan.
“Eh magtataxi na ako, Vicente Cruz lang naman. Sinong sasabay?”
“Ayokong bumili ng payong, singkwenta tapos hanggang bukas lang.”
Tila nagtatalo ang barkada dahil sa ulan, kailangan na umuwi ng lahat pero hadlang ang malalakas na patak.
“Alam niyo guys, tubig lang ‘yan.” sabi ng nag-iisang babae sa grupo at sinimulang tumawid hanggang sa sakayan.
Sumunod na ang iba. Lahat ay basa.

Comments
Post a Comment