Isang bagsak para sa Lakay


Isang bagsak para sa pagkakaibigang pinagtibay ng panahon at ng espiritu ng alak. Isang bagsak para sa lahat ng tuwa't luha na pinagsaluhan kasama na rin ng mamisong kendi at sitsirya. Isang bagsak sa mga naglulumanding nilalang na ginagamit lamang ang alak para lang lumakas ang loob nila sa paglalahad ng mga hinaing at pagnanasa. Isang bagsak sa samahang 'di ko na maintindihan. Isang bagsak sa patuloy nilang paglalamiyerda sa dating tagpuan. Isang bagsak sa mga bagong mukha na hindi ko na kilala. Isang bagsak sa bawat usok na ating kaagapay sa bawat lungkot at saya. Isang bagsak sa kahapon na kailanma'y hindi na natin maibabalik. Isang bagsak para sa inyo na malamang ay mahimbing pa rin ang pamamahinga. Isang bagsak sa putanginang trip niyo na hindi ko na masakyan. Isang bagsak para sa kahapon. Isa pang bagsak para sa hinaharap.

Hindi ko na alam ang nangyayari.

Comments

Popular Posts